Nagbabala ang Canned Sardines Association of the Philippines na posibleng bumaba ang suplay ng mga delatang sardinas dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng produksyon.
Lumobo ang gastos sa langis ng mga pangisdaan at tin sheets o lata para sa packaging kaya lalong nabibigatan ang mga manufacturer.
Ayon sa asosasyon, halos apat na taon na nilang hinihiling sa Department of Trade and Industry ang P3 taas-presyo para sa economy products pero hindi pa rin ito aprubado.
Sa ngayon, nasa P22 hanggang P32 ang presyo ng 155-gram can ng sardinas.
ADVERTISEMENT
Samantala, nanindigan ang DTI na walang price increase sa ngayon habang patuloy ang negosasyon.



