Sumiklab ang isang sunog sa opisina ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Cordillera Administrative Region (CAR) nitong Miyerkules, pasado alas-5 ng hapon.
Kinumpirma ni Baguio City Fire Marshal Anthony Dangatan na nagsimula ang apoy sa Financial Management Records Room.
Isang utility worker ang unang tumimbre ng sunog.
Ayon sa DPWH, agad ring naapula ang apoy bandang 5:43 ng hapon.
Nasa 1 square meter ng DPWH office ang natupok ng apoy.
Wala namang nasaktan sa sunog pero nakikipag-ugnayan na ang DPWH sa BFP at lokal na pamahalaan ng Baguio City para imbestigahan ang insidente.
ADVERTISEMENT
Hindi ito ang unang pagkakataon na may nasunog na opisina ng DPWH.
Noong October 2025, nasunog din ang opisina ng DPWH sa Quezon City.
Kasabay pa ‘yan ng mainit na usapin ng korapsyon sa flood control projects kung saan pangunahing iniimbestigahan ang mga tauhan ng DPWH.



