Inaprubahan ng Department of Education (DepEd) ang pagtaas ng Teachers’ Salary Subsidy (TSS) mula P18,000 patungong P24,000 kada taon para sa mga kuwalipikadong guro sa pribadong paaralan simula sa school year 2025–2026.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng ad referendum approval ng State Assistance Council (SAC) na nangangasiwa sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) program.
Ang TSS ay bahagi ng GASTPE program sa ilalim ng Republic Act No. 8545, at nakalaan para sa mga lisensyadong full-time teachers na nagtuturo ng hindi bababa sa tatlong oras kada linggo sa mga Education Service Contracting (ESC) grantees.



