Good news!
May sariling lane na ang mga estudyante sa mga estasyon ng MRT-3 at LRT-2 simula ngayong Biyernes, July 4.
Ayon sa Department of Transportation, layunin nito na maiwasan ang mahabang pila sa mga estasyon at mapabilis ang pasok ng mga estudyante.
Mas pinalaki rin ang diskwento sa pamasahe mula 20 percent ginawang 50 percent na ito at epektibo hanggang 2028.
Kailangan lamang magpakita ng valid student ID o proof of enrollment kahit post-grad students.
Ipatutupad din ang queuing system sa LRT-1 para mas maayos ang daloy ng mga pasahero.