State of emergency, idineklara sa bayan ng Pakil, Laguna dahil sa dengue outbreak | News Light

📅 June 3, 2025 10:43 AM PHT  |  ✏️ Updated June 3, 2025 12:51 PM PHT

Nagdeklara ng state of emergency ang pamahalaang lokal ng Pakil, Laguna dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng sakit na dengue.

Sinabi ni Mayor Vince Soriano na nagsimula ang kaso ng dengue sa Pakil, Laguna noong Enero hanggang sa lumobo ang bilang nito ngayong buwan ng Mayo hanggang Hunyo na umabot ngayon ng 29 kung saan dalawang bata na ang nasawi, habang limang aktibo na binabantayan ngayon sa kanilang rural health unit.

ADVERTISEMENT

Tumaas umano ang bilang ng kaso ng dengue dahil sa pag-ulan sa lugar, kung kaya nanawagan ang kanilang alkalde na magtulong-tulong sa paglilinis ng kapaligiran partikular sa pinamumugaran ng mga lamok.

Samantala, sinigurado ng pamahalaang lokal ng Pakil na bibigyan nila ng tulong ang pamilya ng nasawi dahil sa sakit na dengue.