Parami na nang parami ang mga artista at kilalang personalidad na naglalabas ng kanilang saloobin hinggil sa lumalalang isyu ng korapsyon sa Pilipinas.
Kabilang na riyan ang cast ng pelikulang Quezon na sina JC Santos at Benjamin Alves sa isang youth and educators forum na ginanap sa University of Makati.
Bukod diyan, nagpakilig rin ang dalawa sa mga kabataan at naghatid ng aral at kasaysayan sa buhay ni dating Pang. Manuel L. Quezon.



