SSS pension, tataas taon-taon hanggang 2027

📅  |  ✏️ Updated

Magpapatupad ang Social Security System ng taunang 10% pension increase para sa retirement at disability pensioners simula September 2025 hanggang taong 2027.

Ayon sa SSS, mahigit 3.8 milyong pensioners ang makikinabang dito, kasama ang 1.2 milyong survivor pensioners na may 5% increase taon-taon.

Ito ang kauna-unahang multi-year pension hike sa halos 70 taong kasaysayan ng SSS na layong bawasan ang epekto ng inflation at pag-ibayuhin ang purchasing power o kakayahang bumili ng mga pensionado.

Habang tiniyak naman ng SSS na nananatiling matibay ang pondo ng ahensya at hindi kailangan ng dagdag na kontribusyon para maipatupad ito.

ADVERTISEMENT

Sa tatlong taon aabot sa 33% ang kabuuang itinaas ng pensyon para sa retirement at disability at 16% naman sa survivor pensioners.