
Muling nagsagawa ang Social Security System (SSS) ng sabayang Run After Contribution Evaders (RACE) upang singilin ang mga employer na hindi regular na naghuhulog ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado partikular sa Luzon.
Sa Santa Rosa City, Laguna, 10 establisimyento ang nabigyan ng show-cause order para ipaliwanag ang kabiguang maghulog ng kontribusyon.
Aabot umano sa P6.02-M ang principal at with penalty contributions ang nais mabawi ng SSS sa mga naturang employer.
Ayon kay SSS Luzon South 1 Division VP Engr. Edwin Igharas, layunin ng RACE program na matiyak ang karapatan ng mga manggagawa sa kanilang benepisyo.
Target din aniya ng kanilang division ngayong taon na makasingil ng P135-M mula sa mga delingkwenteng employer.
Samantala, hinimok ni Igharas ang mga empleyado na i-monitor ang kanilang kontribusyon sa pamamagitan ng mySSS online account.