Pinag-aaralan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang malawakang produksyon ng entomo-pathogenic fungi upang malabanan ang pagdami ng red-striped soft scale insect (RSSI) sa mga sakahan ng tubo.
Ayon kay SRA Administrator Pablo Luis Azcona, natural ang ganitong paraan kung saan ina-atake ng fungi ang adult RSSI.
Maliban dito, pinag-aaralan pa nila ang dalawa pang beneficial na fungi na maaaring maging pangmatagalang solusyon kontra RSSI.
Sa ngayon, higit 2,800 na ektarya na ng sakahan ng tubo ang naaapektuhan ng RSSI sa Negros Occidental kaya patuloy ang paghahanap ng solusyon kontra dito.



