Special courts, planong buuin ng Korte Suprema para sa pagresolba ng mga kaso patungkol sa maanomalyang flood-control projects

📅

Planong bumuo ng Korte Suprema ng mga special courts na siyang hahawak ng mga kasong may kinalaman sa maanomalyang flood-control at iba pang infrastructure projects.

Ayon sa Korte Suprema, inatasan ng en banc ang office of the court administrator na bantayan ang paghahain ng mga kaso sa mga regional trial courts.

Kapag naisampa na ang mga ito, magtatalaga ng mga hukumang magpo-focus lamang sa mga kasong korapsyon sa infrastructure projects.

Bahagi ito ng reporma sa ilalim ng strategic plan for judicial innovations na layong pabilisin at pahusayin ang sistema ng hustisya.

ADVERTISEMENT

Kabilang dito ang pagpapaunlad ng e-court ph at iba pang digital projects para sa mas maayos na transparency at accountability.