SP Sotto, kinondena ang fake news ukol sa umano’y panukalang dagdag-buwis para sa content creators | News Light

📅 October 13, 2025 12:47 PM PHT  |  ✏️ Updated October 13, 2025 12:51 PM PHT

Binatikos ni Senate President Tito Sotto ang umano’y online efforts upang i-destabilize siya at ang Senate majority.

Kabilang aniya rito ang fake news na may panukala umano siyang dagdag-buwis laban sa content creators.

Giit niya, kung humirit man siya ng panukalang batas na may kinalaman sa buwis, sa halip na dagdag, kanya aniyang imumungkahi na bawas-buwis.

ADVERTISEMENT

Giit ni Sotto sa mga nagpapakalat ng fake news ay ipagdarasal na lamang niya ito.

Tinanong din siya ng media kung saan ito posibleng nanggaling: malinaw aniyang concerted efforts ito para siraan siya at ang Senate majority.