Tinutulan ni Senate President Tito Sotto ang hiling ni former Blue Ribbon Committee Chairman, Senator Rodante Marcoleta, na ilagay sa Witness Protection Program ng Department of Justice (DOJ) ang mag-asawang Discaya.
Sa sulat na ipinasa ni Marcoleta, makikitang hindi nilagdaan ni Senate President Tito Sotto ang nasabing hiling.
Ayon kasi sa kanya, hindi makatarungan na bigyan ng proteksyon ang mga taong umanoy sangkot sa pagnanakaw ng bilyon-bilyong piso sa kaban ng bayan.
ADVERTISEMENT
Giit niya, unfair ito para sa mga Pilipino na niloko nina Pacifico o Curlee at Sarah Discaya. Kaya’t hinamon niya ang mga ito na magsabi ng totoo matapos ang mga magkakasalungat na mga pahayag sa Senado at Kamara.
Binigyang-diin din nito ang sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na sinungaling umano ang mag-asawa.
Giit ng abogado ng mga Discaya, may mga ledger, text messages, at iba pang ebidensiyang hawak ang mga ito laban sa mga umano’y humihingi ng kickback sa flood control projects.
ADVERTISEMENT
Gayon pa man, iginiit ng DOJ na hindi sila maaaring gawing state witness kung hindi sila magsasabi ng totoo at kung hindi nila ibabalik ang ilegal na perang nakuha.
Batay sa pagdinig, umabot sa dalawampung bilyong piso ang kinita ng mga kompanya ni Curlee at Sarah Discaya mula 2017 hanggang 2022.
Pero depensa ng kanilang kampo, malalaki lamang ang proyekto kaya malaki rin ang halagang kanilang kinita. (Pink Feliciano/ News Light)
ADVERTISEMENT



