Iginiit ni Senate President Francis Escudero na hindi kabilang sa mga prayoridad ng Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC ang panukalang wage hike bill.
Nauna nang inaprubahan ng Senado ang P100 umento sa sahod na kalahati ng bersyon ng Kamara.
Paliwanag ni Escudero, dapat munang pag-isahin sa bicam ang magkaibang bersyon ng mga panukala.
Dagdag niya, may mga in-exempt silang maliliit na negosyo na hindi kayang magbigay ng isandaang piso.
Inaasahan naman niyang darating na ito sa Senado sa mga susunod na araw.