
Deadma si Senate President Chiz Escudero sa usap-usapang maaari na siyang mapalitan sa puwesto dahil sa pagpasok ng mga bagong senador.
Ito’y matapos pabulaanan niya ang spekulasyon ng ilang analista na may banta na sa kanyang posisyon kasunod ng pagpapahiwatig ni newly elected Tito Sotto na bukas siyang muling maging Senate president kung saka-sakali.
Giit pa niya, tanging majority ng mga senador lang ang makakapagdesisyon sa pagpapalit ng isang Senate president.
Samantala, tiniyak naman ni Escudero na mananatili ang kaayusan sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte—lalo’t may ilang kaalyado na si Duterte sa Senado.