Southwest monsoon, patuloy na magdadala ng pag-ulan sa bansa — PAGASA | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Dawn Pamulaya  |  📂 News Light, Weather

Patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa southwest monsoon, ayon sa 24-hour weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Hulyo 15.

Kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang inaasahan sa Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, Occidental Mindoro, Romblon, Palawan, at Southern Leyte.

Samantala, bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulupulong pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng flash floods o landslides lalo na kapag may malalakas na thunderstorms.

ADVERTISEMENT

Isang tropical depression naman ang namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility na patuloy na sinusubaybayan ng ahensya.