Masayang nagdiwang ng kanyang 32nd birthday ang South Korean actor na si Park Bo-Gum.
Sa Instagram, ibinahagi ni Bo-Gum ang ilang photo snaps sa selebrasyon ng kanyang kaarawan kasama ang katrabaho sa production ng kanyang ongoing K-drama series na “Good Boy”.
Bukod d’yan, makikita rin ang cake ni Bo-Gum na may boxing glove na sumisimbolo sa kanyang ginagampanang role bilang si Dong-Ju na isang former olympic boxing gold medalist na sumali sa police’s special investigation team.
Samantala, mapapanood ang action-comedy K-drama series na “Good Boy” sa Prime Video.
Happy birthday, oppa!