South Korea, umatras sa pagpapautang ng P28 billion sa Pilipinas para sa bridge project dahil sa banta ng korapsyon

📅

Ipinahihinto ni South Korean President Lee Jae-Myung ang planong pautang sa Pilipinas sa halagang ₩700 billion o katumbas ng P28 billion dahil sa alegasyon ng korapsyon at mismanagement ng mga proyekto.

Sa Facebook post, sinabi ni Lee na hindi na ipagpapatuloy ng South Korea ang naturang loan para sa pagpapatayo ng mahigit tatlong daang mga tulay.

Sa gitna ito ng isyu ng korapsyon sa mga flood control projects sa Pilipinas na kinakasangkutan ng mga kontratista at opisyal ng gobyerno.

Nilinaw naman ng Department of Finance na walang existing loan agreement sa South Korea para sa naturang proyekto.

ADVERTISEMENT

Pero sa sumunod na pahayag, inamin ng DOF na dati nang inilapit ang proyekto sa South Korea para sa posibleng pautang ngunit hindi itinuloy ang diskusyon dahil hindi nagkasundo sa scope of project.

Ayon pa sa DOF nakikipag-negosasyon na ang Pilipinas sa France para sa posibleng pagpopondo ng proyekto.