Isinusulong sa France ang social media ban para sa mga kabataang 15-taong gulang pababa dahil sa isyu ng bullying at banta nito sa mental health.
Aprubado na ng National Assembly ng France ang panukalang inihain, matapos bumoto pabor dito ang 116 sa kanilang mambabatas.
Nakabinbin na ngayon sa Senado ang panukala bago ang huling boto nito sa Mababang Kapulungan.
Ayon mismo kay France President Emmanuel Macron, isa ang social media sa dahilan ng karahasan sa mga kabataan.
ADVERTISEMENT
Nais nito na sumunod sa Australia, na unang bansa sa mundo na nag-ban ng social media para sa mga 16-taong gulang pababa.
Nais rin ni Macron na maipatupad ang ban bago magsimula ang academic year sa Setyembre.



