SLSU-Lucban Alumni, Top 1 sa 2025 PNLE

📅 May 16, 2025 12:50 PM PHT  |  ✏️ Updated September 20, 2025 10:16 PM PHT
Photo courtesy: PRC

Labis na ipinagmamalaki ng lalawigan ng Quezon ang kanilang kababayan at graduates ng Southern Luzon State University o SLSU matapos manguna sa May 2025 Philippine Nurses Licensure Examination o PNLE.

Ang mga ito ay sina Angelica Ferrer Dator na nag-Top 1 sa naturang eksaminasyon, habang top 3 naman si Arielle Sabrina Abordo Natividad, at Top 5 naman si Coreen Nicole Valero Benitez.

ADVERTISEMENT

Samantala, nakapagtala naman muli ang SLSU ng 100% Passing rate matapos pumasa ang kanilang 77 estuyante sa PNLE 2025.