Singer and songwriter Dionela, handa na sa The Grace Tour concert; lahat ng kikitain, idodonate sa biktima ng bagyo | News Light

📅 November 11, 2025 10:11 AM PHT  |  ✏️ Updated November 11, 2025 4:50 PM PHT

Inihayag ng kilalang singer and songwriter na si Dionela na buo ang kanyang desisyon na i-donate ang lahat ng kikitain mula sa kanyang nalalapit na major concert, ang “The Grace Tour,” sa mga biktima ng nagdaang bagyo.

Ang event ay hindi lamang magkakaroon ng worship set kasama ang ilan sa mga OPM artist, ito rin ay magiging isang concert for a cause at makakatulong ang bawat dadalo.

Ang anunsyong ito ni Dionela ay mabilis na umani ng papuri at malawak na suporta mula sa kanyang mga tagahanga at sa publiko.

ADVERTISEMENT

Ang “The Grace Tour” ay hindi na lamang isang gabi ng musika, kundi isang gabi ng pagkakaisa ng mga Pilipino.

Sa gitna ng patuloy na pagbangon mula sa pananalasa ng mga nagdaang bagyo, ang ginawang hakbang ni Dionela ay nagsisilbing inspirasyon at mabuting halimbawa ng pagmamahal sa Diyos at sa bayan. (Benedict Quejado/News Light)