Patuloy na umiiral ang shear line sa Eastern Visayas at Mindanao, ayon sa PAGASA.
Dahil sa epekto nito, asahan ang maulap na kalangitan sa Southern Leyte at Caraga Region, kung saan makakaranas din ng mahina hanggang malakas na pag-ulan.
Patuloy ding nararamdaman ang northeast monsoon o hanging amihan sa bansa, at inaasahang aabot hanggang Biyernes at bahagyang hihina naman sa weekend.
Ang ilang bahagi ng Luzon, kasama ang Metro Manila, ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan.
ADVERTISEMENT
Wala namang gale warning o matataas na alon na aabot sa higit apat na metro ang dapat asahan sa mga karagatan ng Pilipinas. (Austin Gonzaga/News Light)



