Shear line at amihan, patuloy na nakaapekto sa hilagang Luzon — PAGASA | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Nagbabala ang PAGASA na makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pulos-pulong thunderstorms ang Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora at Quezon dahil sa epekto ng shear line.

Ayon sa ahensya, posibleng magdulot ang mga pag-ulang ito ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.

Samantala, makakaranas din ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang Batanes, Apayao, Abra at Ilocos Norte bunsod ng northeast monsoon o amihan.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panakanakang pag-ulan o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.

ADVERTISEMENT

Pinayuhan din ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na mag-ingat dahil sa katamtaman hanggang malakas na hanging amihan na nagdudulot ng katamtaman hanggang marahas na mga pag-alon sa northern at iba pang bahagi ng Luzon.