Sinang-ayunan ni Senate President Chiz Escudero ang pagba-ban sa online gambling, kabilang na ang e-sabong, pero babala niya—dapat tiyaking hindi ito magiging underground o patago.
Tinukoy ni Escudero ang larawang kuha sa State of the Nation Address kung saan makikitang nanonood ng e-sabong ang isang kongresista.
Iginiit niya na matagal nang bawal ang e-sabong kaya ipinagtataka niya na bakit mayroon pa rin ito.
“Bakit mayroon pa rin—at sa loob mismo ng kongreso?” tanong ni Escudero.
Habang kontra naman ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa total ban dahil sa posibleng pagkawala ng kita sa marami, habang ang iba nama’y naniniwala na magiging iligal lang ang operasyon.
ADVERTISEMENT
Nahihiya naman si Senator Migz Zubiri dahil sa pagtuturing na gambling capital na ng Asia ang Pilipinas lagpas pa sa Macau at Singapore.
Samantala, nadismaya naman ang maraming mambabatas at maging ang simbahan sa pagkakasantabi ng usaping ito sa State of the Nation Address ni Pangulong Marcos Jr.



