Hindi umano magkakaroon ng Christmas break ang Senado hanggang hindi pa inaaprubahan ng Bicameral Conference Committee ang panukalang 2026 budget, ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Sa isang interview, ang naka-schedule na pagpapaliban sa December 17 ay nananatiling ‘flexible’ o maaaring magbago, depende sa takbo ng bicam deliberations.
Nauna nang naka-schedule mula December 13 hanggang 16 ang deliberasyon ng komite sa dalawang version ng 2026 General Appropriations Bill (GAB); ngunit ayon kay Sotto, posibleng i-advance ito para maisa-pinal ang batas.
Dagdag pa ni Sotto, hindi awtomatikong pipirmahan ng Presidente ang budget kapag ito’y ipinadala na—ire-review pa umano ito at saka malalaman kung ma-veto ba ang panukalang batas. Gayunpaman, ideal umano na mapirmahan ito sa December 29 o 30. (Denniel Salayo/News Light)



