Senado, tuloy ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects

📅  |  ✏️ Updated

Tuloy ang senado sa pag-imbestiga sa anomalya flood control projects kahit na may nabuong independent commission para suriin ang umano’y korapsyon sa imprastraktura.

Ayon kay Senate Pres. Vicente Sotto III, hindi ititigil ng senado ang hearing dahil ito’y “in aid of legislation”… o trabaho ng mga mambabatas.

Iginiit naman ni Senate Pres. Pro Tempore at blue ribbon committee chair Panfilo Lacson na hindi nagbabanggaan kundi nagtutulungan ang hearing ng senado at ng independent commission for infrastructure.

Dagdag pa ni Lacson, naipasa na niya kay DPWH chief Vince Dizon at Baguio City Mayor Benjie Magalong ang mga dokumento at larawan na magpapatunay sa korapsyon sa proyekto.

ADVERTISEMENT

Nakatakda ang ikatlong hearing ng blue ribbon committee sa susunod na Huwebes.