Naisumite na ng House Prosecution Panel sa impeachment court ang kanilang tugon matapos ibalik ng Senado ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa Kamara, walang basehan ang naging hakbang ng Senado dahil malinaw na legal ang naging proseso sa impeachment sa ilalim ng Saligang Batas.