Senado, in-adopt ang resolusyong bumabati sa ika-47 anibersaryo ng JILCW | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Bilang pagkilala sa kontribusyon ng Jesus Is Lord Church Worldwide sa pagbabahagi ng salita ng Diyos at mabuting balita, in-adopt ng Senado ang Resolution No. 142 o ang “Resolution congratulating and commending Jesus Is Lord Church Worldwide on the celebration of its 47th founding anniversary on October 18, 2025.”

Ibinahagi ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang kanyang karanasan nang makapunta sa isang service ng simbahan sa Hong Kong. Iginiit niya na nagbigay-inspirasyon ang pananampalatayang ipinakita ng JIL people upang maging mabuting tao.

Nagpaabot rin ng pagbati si Sen. Alan Peter Cayetano at binalikan ang nakaraang deklarasyon ng simbahan na magkakaroon ng revival sa bansa.

Main sponsor ng resolusyon si Sen. Chiz Escudero at co-sponsor naman nito si Sen. Bato dela Rosa.

ADVERTISEMENT

Nagbigay suporta rin sa resolusyon sina Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Bam Aquino, Sen. JV Ejercito, Sen. Pia Cayetano, Sen. Bong Go, at Sen. Robin Padilla.

“The Jesus is Lord Movement is well-loved by many of the Senators, they spread the truth and gospel all over the world,” ani Sen. Zubiri.