Nagkabotohan ang mga senator-judges ukol sa mosyon ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano na amyendahan ang naunang mosyon ni Senator-Judge Bato dela Rosa na i-dismiss ang articles of impeachment.
Sa halip, nais ni Cayetano na i-remand o ibalik na lamang ito sa Kamara.
Sa botong 18 affirmative votes, 5 negative at zero abstention, pormal nang ibabalik ang articles of impeachment sa pinanggalingan nito.
Hindi ibig sabihin nito na dismissed ang kaso, pero sa paraang ito, kailangang sertipikahan ng Kamara kung walang paglabag sa one-year rule sa impeachment, at kung nais pa ba nilang ituloy ito sa 20th Congress.