Sen. Villanueva, sinalag ang pagkaladkad ng kanyang pangalan sa anomalya sa flood control projects

📅

Kapwa nanindigan sina Sen. Jinggoy Estrada at Joel Villanueva na walang katotohanan
ang mga paratang ng dating DPWH assistant engineer sa Bulacan na tumanggap umano
sila ng 30 percent na kickback mula sa flood control projects sa lalawigan.

Giit ni Villanueva, wala siyang flood control project, at pinahagingan din ang nasa likod ng aniya’y demolition job.

Hinamon naman ni estrada ng lie detector test ang naturang dating DPWH official.