Inihain ni Senador Joel Villanueva ang panukalang total ban sa online gambling sa bansa dahil marami na aniya ang nalululong at nabibiktima nito.
Seryosong banta aniya ito sa bawat pilipino dahil instant na ang pagsusugal lalo’t online na ito at kayang-kayang gawin gamit ang smartphone dahilan para maging mas accessible ito hindi lang ng mga matatanda kundi pati sa mga kabataan.
Bukod kay Villanueva, suportado rin nina Senador Migz Zubiri at Raffy Tulfo ng total ban sa online gambling habang mas mahigpit lang na regulasyon naman ang nais ng ilang mambabatas.
Sumali na rin kamakailan ang simbahang katolika sa naturang panawagan.
ADVERTISEMENT
Umaasa naman ang senador na mababanggit ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang nalalapit na state of the nation address.



