Sen. Villanueva, iginiit na walang kaugnayan sa ghost project sa Bulacan

📅  |  ✏️ Updated

Iginiit ni Senate majority leader Joel Villanueva na wala siyang kaugnayan sa district engineer na nag-apruba sa ghost flood control project sa Bulacan.

Ayon kay Villanueva, walang mapatutunayan ang mga kumakalat na litrato niya online kasama si dating Bulacan first district engineer Henry Alcantara na siyang nag-apruba sa ghost project nang hindi nag-iinspeksyon.

Naniniwala si Villanueva na ibinabaling lang sa mga hindi sangkot sa anomalya ang usapin.

Ikinokonsidera niya ring maghain ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng maling impomasyon online.