Sen. Ronald Dela Rosa, hihiling sa Senate Blue Ribbon Committee na imbitahan si Ex-Rep. Zaldy Co sa senate inquiry kaugnay sa flood control scandal

📅  |  ✏️ Updated

Inihayag ni Sen. Ronald Dela Rosa na susulat siya sa Senate Blue Ribbon Committee para maimbitahan sa susunod na senate inquiry si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Ayon kay Sen. Dela Rosa, nawala na ang parliamentary immunity ni Co matapos mag-resign sa Ako Bicol Partylist.

Babala naman ni Dela Rosa, na maglalabas ang senado ng subpoena sakaling umiwas pa rin si Co habang magbababa naman ng warrant of arrest kung hindi pa rin sisipot.

Iginiit sin ni Dela Rosa na central figure si Co sa isyu ng maanomalyang flood control projects at korapsyon kaya hindi sapat ang kanyang resignation.