Sa kabila ng kaliwa’t kanang isyu ng korapsyon, mariing itinanggi ni Sen. Mark Villar na may direkta o di-tuwirang pagmamay-ari ang kanyang pamilya sa mga kumpanyang sangkot sa mga maanomalyang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa isang pahayag ngayong Huwebes, October 2, dumipensa ang senador matapos kumpirmahin ng Department of Justice na iniimbestigahan siya kaugnay ng P18 bilyong halaga ng kontrata na na-award umano sa kanyang pinsan.
Iginiit ng senador na walang nakuha ang kanyang mga kamag-anak na kontrata mula 2016 hanggang 2021 nang siya ay umupong kalihim ng DPWH.
Welcome din daw siya sa imbestigasyon at maghahain ng panukalang batas para imandato ang drone monitoring sa malalaking proyekto ng pamahalaan.
ADVERTISEMENT
Samantala, tiniyak ni Justice Secretary Boying Remulla na isasailalim sa masusing pagsusuri ang lahat ng records, kabilang ang mga kaso ng flood control at ghost projects.



