Sen. Lacson, tila nagpasaring sa isang social meda post kina Rep. Barzaga at Sen. Marcoleta

📅

Muling bumuwelta at nagpasaring si Sen. Ping Lacson sa ilang kapwa mambabatas na tila para kina Cavite Rep. Kiko Barzaga at Sen. Rodante Marcoleta.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Lacson na tila kinakailangan nila ng veterenary clinic dahil sa isa umanong “crazy cat” at “annoying dog”.

Tila nauugnay ang mensahe kina Barzaga at Marcoleta na mga matinding kritiko ni Lacson ngayon.

Nauna nang umalma si Lacson matapos ibinahagi kamakailan ni Barzaga ang larawan nito kasama ang mag-asawang kontratistang sina Sarah at Curlee Discaya na sangkot sa politikal na banggaan sa Pasig City.

ADVERTISEMENT

Giit ni Lacson, hindi siya tumanggap ng donasyon o nagbigay ng special treatment sa mga Discaya at ang pagkakalat ng larawan ay paninira sa kanyang credibility bilang chair ng blue ribbon committee sa flood control anomaly probe.