Sen. Lacson, nilinaw ang larawan nila ng dDiscaya couple na usap-usapan online sa gitna ng imbestigasyon

📅

Nilinaw ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang kumakalat na litrato niya kasama ang mag asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya.

Ito’y matapos i-post sa Facebook ang litrato ng kongresista na si Kiko Barzaga habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ayon kay Lacson, unang beses niyang nakilala sila sa labas ng blue ribbon hearings nang bisitahin siya ng kanilang anak at ng campaign supporter na si Fred Villaroman sa opisina niya sa Taguig City noong Abril.

Paliwanag ni Lacson, tinanggihan niya ang imbitasyon na dumalo sa rally ng party list na sinusuportahan ng mga Discaya bilang pagrespeto kay Senate President Tito Sotto III at sa pamangkin nitong si Pasig City Mayor Vico Sotto na katunggali ni sarah discaya sa mayoral race.

ADVERTISEMENT

Giit ni Lacson, aabot lamang sa halos 20 minuto ang pag-uusap nila at hindi na muling naulit ang pagkikita.

Aniya, walang koneksiyon sa mga Discaya ang litrato at walang ibang dapat ikabahala dito.