Nananatiling tikom ang bibig ni Senate Majority Deputy Leader Sen. JV Ejercito kung sino ang kaniyang ibobotong matunog at susunod na Senate President para sa nalalapit na 20th Congress.
Ayon pa sa senador, bukod sa pagiging bahagi ng Senate leadership, kapwa kapartido niya raw sa Nationalist Peoples Coalition (NPC) party si incumbent Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Nananatili raw siyang bukas para sa isang “gentleman’s agreement” pero kailangan umanong maupo sa top senate post ang karapat dapat na senador.
Kabilang sina former Senate President Tito Sotto III, Sen. Juan Miguel Zubiri, Escudero, at Sen. Imee Marcos, sa mga matutunog na manok bilang uupong bagong liderato ng Senado.
Matatandaang kamakailan ay kinumpirma ng Senate Duterte Bloc na lumapit si Sotto at Escudero sa kanilang hanay upang humingi ng suporta.
ADVERTISEMENT
Banggit din ni Imee na siyang ate ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na posible raw na gusto lang silang pag awayin ng pinsang si House Speaker Martin Romualdez.
“May nakisuyo lang sa akin na ako tatakbo palagay ko ang gusto nila ako makipagumpugan kay tambaloslos,” ika ni Imee.



