Sen. Joel Villanueva, nagsumite ng counter-affidavit laban sa isinampang kaso ng NBI hinggil sa isyu ng flood control | News Light

📅

Naghain ng kanyang counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) si Senador Joel Villanueva kasunod ng mga reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.

Kasama ng counter-affidavit, isinumite rin ang testimonya ng tatlong saksi, kabilang ang isang staff na umano’y tumanggap ng pera.

Matapos ang isinagawang preliminary investigation ng DOJ, tinawag ng senador ang mga reklamo bilang “tila kalokohan.” Gayunpaman, iginiit niya na haharap siya at susunod sa due process.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Ramon Esguerra, kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang kinaharap ni Villanueva.

Ayon naman sa tagapagsalita ng DOJ na si Polo Martinez, ang hiwalay na preliminary investigation na dinaluhan ni Villanueva at ni dating senador Bong Revilla ay kaugnay ng mga Department of Public Works and Highways (DPWH) projects sa Bulacan na iniulat na “100 percent completed” pero umano’y kulang-kulang o hindi napapakinabangan.

ADVERTISEMENT

Paglilinaw ng DOJ, iba ang mga kasong ito sa limang nauna nang flood control cases na naipasa na sa Office of the Ombudsman.

Kasama rin sa iniimbestigahan ang kasong plunder laban kay Zaldy Co, na hindi dumalo o nagpadala ng kinatawan sa pagdinig.