Nagkainitan sa Senado matapos punahin ni Sen. Jinggoy Estrada ang pahayag ni Sen. Kiko Pangilinan sa Blue Ribbon hearing ukol sa PDAF scam, kahit na wala namang spesipikong pangalang nabanggit.
Naipaliwanag kasi ni Pangilinan na naabsuwelto ang mga nasangkot noon sa PDAF scam at nagbigay-daan umano ito sa muling pag-usbong ng korapsyon sa DPWH.
Giit ni Pangilinan, kung nakulong ang mga sangkot, maaaring naiwasan ang mas malaking korapsyon.
Bigla namang umalma si Estrada na nahatulan dati ng kasong plunder pero naabsuwelto ng korte.



