“Safe kaya tayo sa kanila?”
‘Yan ang patutsada ni Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang post sa social media matapos ilabas ang mga larawan nina House infra commiittee chair at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon at ex-DPWH engineer Brice Hernandez.
Pinost ni Estrada ang yearbook photos ni Ridon at Hernandez kasama ang mga hashtag na liars go to hell.
Pero itinanggi naman ni Ridon na magkaklase sila ni Brice Hernandez sa Lourdes School Quezon City kontra sa banat ni Sen. Jinggoy Estrada.
Giit ni Ridon, mali ang paratang ni Jinggoy na nagpost ng lumang larawan at ginamit pa ang address ng kanyang lola.
ADVERTISEMENT
Pinaiimbestigahan naman na ito sa National Privacy Commission.
Binaling naman ni Ridon ang isyu at hinamon si Jinggoy na ipaliwanag ang mga litrato nito kasama sina dating DPWH Usec. Roberto Bernardo at ex-district engineer Henry Alcantara na umano’y nasa sentro ng maanomalyang flood control projects.
Samantala maaari namang sampahan si Estrada, ayon sa National Privacy Commission dahil sa pagpapatutsada nito sa mambabatas.



