Sen. Hontiveros, magsasampa ng reklamo vs. sa nag-akusang bayaran siya | News Light

📅 July 1, 2025 09:53 AM PHT  |  ✏️ Updated July 2, 2025 10:08 AM PHT
👤 Giselle Crazo  |  📂 Pulitika, Latest News, News Light

Maghahain ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Miyerkules si Senator Risa Hontiveros laban sa isang Michael Maurilio, alyas “Rene,” na nagsabing binayaran umano siya ng isang milyon piso para magpatotoo laban kina Apollo Quiboloy at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang video sa Facebook, iginiit ni Maurilio na ginamit siya umano ni Hontiveros para sa Senate hearing.

Dati na rin siyang nagtestigo na nagdadala umano ng mga armas si Quiboloy, at kasama raw si Duterte sa mga paghahatid.

Mariin namang pinabulaanan ito ni Senator Hontiveros, dahil inilalagay umano nito sa peligro ang mga testigo at maging ang kanyang staff.

Aniya, hindi ito basta paninira at hindi ito puwedeng palampasin.