Sa kaugnay na balita, kinukuwestyon ngayon ni Senador Risa Hontiveros kung bakit agad nakuha ni Vice President Sara Duterte ang salaysay ni Michael Maurillo o ni alyas ‘Rene’.
Hinggil sa pagbabayad umano sa kanya ng isang milyong piso para tumayong witness sa senado bago pa lumabas ang video ng kanyang paglantad online.
Mababatid na sa isang interview kay VP sara habang siya’y nasa the Netherlands sinabi niyang nabasa na niya ang affidavit ni maurillo bago pa ito maisapubliko.
Sinabi pa ni VP Sara, na base sa nabasa niyang salaysay ni Maurillo nakasama na umano niya ang ilang kapwa witnesses sa isang bahay kung saan siya pinatitira kabilang ang mga tatayong witness sa International Criminal Court o ICC.
ADVERTISEMENT
Kaya naman hirit ngayon ni hontiveros dapat ding kasuhan ng perjury si Maurillo.



