Sen. Francis Escudero sa House of Representative: respetuhin ang desisyon ng impeachment court

📅 June 13, 2025 11:55 AM PHT  |  ✏️ Updated June 13, 2025 11:57 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Iginiit ni Senate President at Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na dapat igalang at sundin ng Kamara ang naging desisyon ng impeachment court.

Tugon ito ni Escudero sa pagkuwestyon ni Speaker Martin Romualdez sa pagbalik ng articles of impeachment sa kamara laban kay Vice President Sara Duterte.

Paliwanag ng Senate President, naglabas ang impeachment court ng dalawang utos kabilang na rito ang certification na hindi nilabag ng Kamara ang one-year ban at manifestation ng 20th Congress kung itutuloy pa ang impeachment.

Matatandaang bago mag-adjourn inaprubahan ng kamara ang resolution 2346 na nagpapatunay na sumunod sila sa konstitusyon sa pagpapasa ng impeachment noong pebrero.

Pero hindi pa tinanggap ang articles habang hinihintay ang linaw sa remand order.

Ayon naman kay escudero, posibleng sa july pa matuloy ang trial kapag nabuo na ang 20th Congress.

Nilinaw din niya na walang delay sa proseso.