Sen. Escudero, kumpyansang mananatili bilang Senate President

📅

Kumpiyansa si Senator Chiz Escudero na mananatili siya sa puwesto bilang Senate President sa muling pagbubukas ng 20th congress sa July 28.

Giit ni Escudero, patuloy na sumusuporta sa kanya ang karamihan sa mga senador pero walang anumang deal o kapalit na nabanggit para sa pagpabor sa kanya.

Aniya, lahat ay dapat dumaan sa botohan at open debate sa plenaryo.

Magugunitang matunog din na posibleng maupo bilang Senate President si Senator Tito Sotto.