Maaaring hindi matanggap ni Sen. Bato dela Rosa ang suweldo nito dahil sa matagal na absence, ayon kay Senate President pro tempore Ping Lacson kahapon.
Maaaring hindi matanggap ni Sen. Bato dela Rosa ang suweldo nito dahil sa matagal na absence, ayon kay Senate President pro tempore Ping Lacson kahapon.
Ayon kay Lacson, pinag-uusapan na nila ni Senate President Tito Sotto na i-suspend o itigil ang sahod ni Dela Rosa bunsod ng hindi na nito pagpapakita mula pa Nobyembre.
Ang isang senador ay may suweldo na ₱290,000 hanggang ₱300,000 kada buwan, bukod pa sa allowances.
Gayunman, ani Lacson, pag-aaralan pa muna ito dahil may mga patakarang sinusunod sa ilalim ng Civil Service Law.
ADVERTISEMENT
Hindi rin umano siya makikibahagi sa mga rekomendasyon laban kay Bato.
Dagdag pa ni Lacson, wala siyang moral authority dahil nasa parehas din siyang sitwasyon sa Dacer-Corbito murder case labing-tatlong taon na ang nakararaan. (Denniel Salayo/News Light)



