Sen. Bato dela Rosa, nagtatago umano sa Davao ayon kay Sec. Remulla | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Pinaniniwalaan umanong sa Davao City nagtatago si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa dalawang buwang nitong pagliban sa Senado, ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kahapon.

Nauunawaan umano ni Remulla na hindi na nagpakita pa si dela Rosa mula nang mapaulat ang umano’y warrant of arrest laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC).

Iginiit muli ni Remulla na walang kapangyarihan ang DILG na arestuhin si Bato nang walang opisyal na warrant mula sa ICC o base lamang sa mga hindi beripikadong ulat.

Matatandaang umingay ang ICC warrant kay dela Rosa matapos itong banggitin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla at aniya’y nakita ang kopya nito.

ADVERTISEMENT

Absent din si dela Rosa sa Senate hearings, at obligado lamang na magpakita kung kailangan ang kanyang boto para mag-break ng deadlock sa plenaryo, ayon kay Senate President Vicente Sotto III. (Denniel Salayo/News Light)