Sen. Alan Cayetano, handang magbitiw bilang senador sa kondisyong susunod din ang iba pang opisyal ng gobyerno

📅 October 9, 2025 11:24 AM PHT

Handang umanong maunang magbitiw sa posisyon bilang senador si Sen. Allan Peter Cayetano sa harap ng kaniyang panawagan na linisin ang pamahalaan para mabalik ang tiwala ng publiko.

Sa pahayag ni Cayetano, magbibitiw aniya siya kung kasama rin sa magbibigay-daan ang pangulo, pangalawang pangulo, at iba pang mambabatas.

Posibleng solusyon din daw ang snap election kung saan hindi na makakatakbo ang mga kasalukuyang opisyal.

ADVERTISEMENT

Hindi rin umano kontento kasi sa imbestigasyon si cayetano hinggil anomalya sa flood control projects.

Binatikos niya rin ang umano’y kawalan ng transparency ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.