Seguridad ng pamilya ni Sarah Discaya, dahilan aniya ng kanyang boluntaryong pagsuko sa NBI | News Light

📅

Ipinaliwanag ng kontrobersiyal na kontratistang si Sarah Discaya kung bakit kusa itong nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) sa kabila ng kaniyang kinakaharap na kaso.

Sa harap ng mga imbestigador, iginiit ni Discaya na nagpasya siyang sumuko dahil sa takot sa kanyang kaligtasan at ng kanyang mga anak.

Aniya, mas mabuti na nasa kustodiya ng NBI siya hanggang ma-serve ang warrant.

Nagtungo si Discaya sa NBI ilang oras matapos ianunsyo ni Pangulong Marcos Jr. ang paglabas ng kanyang warrant of arrest kaugnay ng graft at malversation.

ADVERTISEMENT

Matatandaang kinasuhan si Discaya at iba pa sa Davao Occidental Regional Trial Court matapos maiugnay sa umano’y ₱96.5 million na ghost flood control project.