Sec. Remulla, nangakong makukulong ang lahat ng sangkot sa isyu ng flood control sa 2026 | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Pinagtibay ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang paninindigan ng pamahalaan na panagutin ang lahat ng sangkot sa eskandalo ng flood control projects, sabay sabing nakakulong na sa susunod ng taon ang mapapatunayang guilty.

Ani Remulla, determinado ang gobyernong panatilihin ang integridad ng pampublikong serbisyo ngayong patuloy na lumulutang pa lalo ang paglulustay ng kaban ng bayan.

Iginiit din ng kalihim na dapat magsimula ang matinong pamumuno sa lokal na antas dahil ito ang ‘frontline’ ng tapat at maayos na serbisyong publiko.

Hinggil dito, patuloy pa rin ang manhunt ng Philippine National Police (PNP) sa pito pang sangkot sa korapsyon ng flood control funds sa Oriental Mindoro; hinigpitan na rin umano nila ang operasyon para dito, ayon kay PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. (Denniel Salayo/News Light)