Iniutos ni Acting Transportation chieg Giovanni Lopez na mag-commute isang beses kada linggo ang mga opisyal ng rail at road sectors ng Department of Transportation para madama umano ang hirap ng mga pasahero.
Simula September 17 obligado ang mga undersecretary, assistant secretary, directors ng road at rail sectors kasama ang mga pinuno ng LTO, LTFRB, LRTA, PNR at MRT3 na pumasok gamit ang pampublikong transportasyon.
Kailangan din nilang magpasa ng lingguhang report na naglalaman ng observations, rekomendasyon, at mga planong aksyon.
Samantala, ipinagpaliban muna ng DOTr ang pagpapalabas ng student beep card sa September 20.
ADVERTISEMENT
Ayon sa ahensya, may kinakailangan pa umanong ayusin sa sistema bago mailunsad ito.
Samantala, target namang maglagay ng printers ng beep card sa 51 istasyon ng LRT 1-2 at MRT-3 para doon na kukuha at maga-apply ang mga estudyante.



