Binalewala ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang inihain na ‘not guilty plea’ ng nakadetineng contractor na si Sarah Discaya at siyam niyang kasama kaugnay ng umano’y mahigit ₱90 milyong halaga ng “ghost” flood control project sa Davao Occidental.
Ayon kay Dizon, karaniwan na sa mga kasong kriminal na itanggi ng mga akusado ang paratang, pero matibay ang kaso ng gobyerno at malakas ang mga ebidensiyang nagtuturo sa mga nasasangkot.
Kabilang na rito ang paglagda sa mga document of acceptance at pag-apruba ng mga bayad kahit na umano’y walang aktuwal na proyekto.
Gayunman, hinahayaan umano ang hukuman na magpasya batay sa mga ebidensiya.



